Pages

Wednesday, December 23, 2015

#ParaSaMgaNaMissColombia

Para sa mga pinanghawakan na makukuha nila ang matagal na nilang hinahangad at pinagdadasal
Para sa mga nagdiwang na dahil sa paniniwalang sa 'yo na ang korona at karangalan
Para sa mga nag-akalang nanalo ka pero pagkakamali pala
Para sa mga umasa at nasaktan
'Wag kang makalimot...
Alalahanin mo...
May Haring bumaba sa Kanyang trono para sa 'yo
May Diyos na nagpakatao para maranasan ang mga pinagdadaanan mo
Sa Kanya napunta ang korona ng tinik na dapat ay sa 'yo
Kaya okay lang, okay lang 'yan...
Masakit pero kayanin mo
Hindi mo naman kailangan ang korona ng kalawakang ito
Dahil para sa lumikha nito, ikaw ang mahalaga
Hindi lang mahalaga...
Mahal
Mahal ka Niya
Mahal na mahal.

No comments:

Post a Comment